Ipinanawagan ng Department of Energy (DOE) ang pakikilahok ng publiko sa paparating na Earth Hour sa ika-23 ng Marso, araw ng Sabado.
Ang Earth Hour ay isang taunang event kung saan nagsasagawa ng massive switch off activities sa loob ng 60 minuto o isang oras ang iba’t ibang grupo mula sa private and business sector, government agencies, at mga organisasyon para bigyang kamalayan ang publiko sa epekto ng nagbabagong klima.
Nagsimula noong 2007 sa Sydney, Australia sa pangunguna ng conservation organization na World Wide Fund for Nature (WWF), aabot na ngayon sa 185 bansa ang nakikilahok sa nasabing pagkilos na isinasagawa tuwing huling Sabado ng Marso.
Noong March 2023, umabot sa halos 63 megawatts (MW) ang natipid na kuryente ng buong bansa sa pagpatay ng ilaw sa loob ng isang araw, ayon sa DOE.
Pinakamalaking nagtipid na kuryente ay sa Luzon sa 33.29 MW, sinundan ng Mindanao sa 20.5 MW, at sa Visayas sa 8.9 MW.| ulat ni EJ Lazaro