Lumagda sa Memorandum of Agreement ang Department of Transportation (DOTr), Light Rail Transit Authority (LRTA), at Robinsons Land Corporation upang mapabuti ang transportation connectivity sa mga pasahero ng LRT-2.
Ang nilagdaang kasunduan ay magbibigay daan sa mas maginhawang pagbiyahe ng mga pasahero ng LRT-2 sa Marikina Pasig Station na dumadaan sa interconnection link ng nasabing mall.
Ayon ka Transportation Assistant Secretary Jorjette Aquino, ang pagtatayo ng interconnection access ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang maisulong ang maginhawang commuting experience para sa publiko.
Nagpasalamat naman si LRTA Administrator Hernando Cabrera sa Robinsons Land Corporation na nagbigay ng daan para sa mga pasahero ng LRT-2.| ulat ni Diane Lear