Muling pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangako nitong suportahan at itaguyod ang mga karapatan ng kababaihan tungo sa isang mas inklusibong lipunan.
Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa National Women’s Month Celebration (NWMC) ngayong buwan ng Marso.
Binibigyang diin ng selebrasyon ang pangangailangang ipakita at gamitin ang buong potensyal ng kababaihan sa aktibong pakikibahagi at pag-aani ng mga benepisyo ng pambansang paglago at pag-unlad.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez,
patuloy na magsisikap ang departamento na bumuo ng mas maraming espasyo para sa mga kababaihan na makilahok at maging empowered citizens.
Tiniyak nito na susuportahan at lalahok ang DSWD sa mga aktibidad ng NWMC sa pangunguna ng Philippine Commission on Women (PCW).
Hinihikayat din ang publiko na makibahagi sa lahat ng National Women’s Month Celebration online activities.| ulat ni Rey Ferrer