Binigyan na ng ‘go signal’ ng Department of Energy ang isang 3D seismic survey ng isa sa mga contractor nito na Ratio Petroleum Ltd. o Ratio.
Layon ng naturang 3D seismic survey na gumamit ng mga high-tech na pamamaraan para makakuha ng mga detalyado at mga kalidad na imahe ng sub surface geology o itsura ng mga kalupaan sa nasabing lugar para mas maintindihan ang nilalaman ng mga ito.
Planong alamin ng Ratio kung saan ang mga pwedeng drilling location para ma-assess kung maaaring makadiskubre sa lugar ng bagong suplay ng langis o gas.
Ayon sa doe, ang naturang survey ay makabuluhan sa kanilang ahensya partikular sa kampanya nito para sa petroleum exploration dahil patunay anila ito ng kanilang dedikasyon at para hanapin ang mga bagong oportunidad sa mga “promising” na lugar. | ulat ni Lorenz Tanjoco