Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagdadala ng mga serbisyo ng gobyerno sa Tuguegarao City, Cagayan nitong weekend.
Bago ang pagtungo nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Australia para dumalo sa Indo-Pacific Summit, nagtungo muna ang Unang Ginang sa Tuguegarao City para pangunahan ang LAB for All Caravan.
Katuwang niya ang Department of Health at PhilHealth sa pagbibigay ng serbisyong medikal tulad ng libreng check-up, laboratory, gamot, salamin sa mata at iba pa.
Nagsagawa din ng pamamahagi ng ayuda sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development, alok na trabaho mula sa Department of Labor and Employment at Technical Education Skills and Development Authority at maraming iba pa.
Bukod sa Tuguegarao, dinala na rin ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang LAB for All Caravan sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Batangas, Cebu, Bataan at Baguio City. | ulat ni Michael Rogas
📷: DOH