Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) ang Muslim government workers na sundin ang flexible working hours ngayong panahon ng Ramadan.
Alinsunod na rin ito sa CSC Memorandum Circular No. 06, s. 2022.
Layon nitong tiyaking magtutuloy-tuloy ang serbisyo sa government agencies.
Ayon sa CSC, maaaring baguhin ang pasok ng mga empleyadong Muslim ngayong Ramadan mula 7:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon nang walang noon break.
Tuwing Biyernes, maaari ring hindi pumasok sa trabaho ang mga ito mula 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon para bigyang-daan ang kanilang pagdadasal.
Upang matiyak na makumpleto pa rin ang 40 hours workweek requirement, dapat na magsimula ang flexible working hours nang hindi mas maaga sa 7:00 ng umaga at magtatapos ng hindi lalagpas sa 7:00 ng gabi.
Ngayong araw Marso 12, opisyal nang nagsimula ang 30 araw na pag-aayuno sa buwan ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim. | ulat ni Rey Ferrer