Gobernador ng Laguna at Batangas, pinatatawag sa Kamara sa imbestigasyon ng operasyon ng illegal gambling

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinahaharap sa House Committee on Public Order and Safety sina Laguna Governor Ramil Hernandez at Batangas Governor Hermilando Mandanas matapos lumabas sa pagdinig ng komite na nangunguna ang kanilang nga lalawigan sa may pinakamaraming pasugalan sa CALABARZON o Region 4-A.

Si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang humiling na imbitahan ang dalawang gobernador sa susunod na pagdinig ng komite para pasagutin sa patuloy na paglaganap ng mga pasugalan sa kanilang mga lugar.

“I would like to file a motion to invite the Governor of Laguna here and probably the Governor of Batangas, kung bakit hindi po masawata ang pasugalan, kasi ang kanilang pong salita ay batas.  ‘Pag sinabi ni governor, gusto ko tumigil ang sugalan sa teritoryo ko, titigil po yan,” ani Tulfo.

Giit niya na kung may political will ang local leaders ay agad na susunod dito ang mga awtoridad.

Batay sa datos na ibinahagi ni Philippine National Police (PNP) Region 4A Director (CALABARZON) Brigadier General Paul Kennet Lucas, ang Laguna, Batangas, at Cavite ang tatlong nangungunang lalawigan na may pinakamataas na kaso ng illegal gambling.

Sa Laguna nanguna ang Calamba, San Pablo City, at Sta. Rosa habang sa Batangas ay Lipa, Balayan at Agoncillo at Cuenca.

Samantala, ipina-subpoena naman ni Abang Lingkod Partylist Representative Joseph Stephen Paduano sina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles at PCSO Board of Director Jennifer Guevara dahil sa patuloy nilang hindi pagdalo sa pagdinig ng walang sapat na dahilan.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us