Matagumpay na nasungkit ng Pilipinas ang Guinness World Record sa pinakamaraming nakahaing putahe ng karneng baboy.
Nakamit ito sa unang araw ng Hog Festival 2024 an isinagawa sa Gateway 2 sa Araneta Center, QC.
Pinangunahan ito ng National Federation of Hog Farmers katuwang ang SINAG at ang Resto PH.
Present din dito sa pagtitipon si Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., DA Usec. Deogracias Victor Sevillano, SINAG Chairman Rosendo So, Sen. Cynthia Villar at QC Mayor Joy Belmonte.
Ayon sa official adjudicator ng Guiness na si Sonia Ushirogochi, umabot sa 313 na mga unique pork dishes ang inihain ng mga restaurant at culinary schools na nakibahagi sa festival.
Kabilang sa itinampok rito ang pambansang handa na lechon, na kakaiba at may modern twist dahil may truffle rice at pansit stuffing at kinilala pang tastiest dish sa Asia.
Ayon naman kay DA Sec. Tui Laurel Jr., magandang pagkakataon ito para maibida ang mga masasarap na putaheng karneng baboy at masuportahan ang local hog farmers na patuloy na bumabangon sa epekto ng ASF. | ulat ni Merry Ann Bastasa