Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na patuloy na baba ang gun-violence sa bansa.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo na sa nakalipas na dalawang taon ay nakapagtala ang PNP ng pagbaba sa krimen gamit ang baril.
Ayon kay Fajardo, 4,956 gun-related incidents ang naitala ng PNP noong nakaraang taon na mas mababa sa 5,172 insidente noong 2022.
Sa taong 2024, nasa 808 insidente na ang naitala ng PNP, kung saan nangunguna ang mga kaso ng pamamaril, alarm and scandal, grave threat, at robbery.
Sa loob ng nakaraang dalawang taon, sinabi ni Fajardo na kaugnay ng mga nabanggit na insidente, ay nasa 3,792 kaso ang naisampa sa korte; 3,774 ang nai-refer sa prosecutor’s office; at 1,136 ang under investigation. | ulat ni Leo Sarne