Promoted na bilang casual employees ang nasa 293 o halos 300 job order employees ng Mandaluyong City Local Government Unit.
Ito ang inanunsyo ngayon ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr.
Paliwanag ni Abalos, alinsunod aniya sa batas ay makatatanggap ng mga benepisyo ang mga casual employee gaya ng umento sa suweldo, 13th Month Pay, at iba pa.
Binigyang-diin pa ng alkalde na ang promosyon sa mga job order employee ng lungsod ay bilang pagkilala sa kanilang mga naging ambag sa pagpapalago ng Lokal na Pamahalaan.
Napapanahon din na mabigyan ng pagkakataon ang mga naturang empleyado na umunlad dahil sa patuloy nilang pagseserbisyo sa publiko. | ulat ni Jaymark Dagala