Pinapagana na ng National Irrigation Administration (NIA) ang 82 solar power-driven pump irrigation projects sa buong bansa ngayong panahon ng El Niño.
Ayon kay NIA Administrator Eduardo Eddie Guillen, ganap nang nakumpleto ang irrigation projects noong 2023 na nagkakalahaga ng Php 667,957,000.
Sinabi ni Guillen, mayroong 150 potensyal na lugar ng irigasyon para sa solar power-driven pump irrigation projects.
Kaya nito na makapagbigay ng water supply sa irigasyon ng 866 ektarya ng agricultural lands sa buong bansa. Kabuuang 1,061 magsasaka at kanilang pamilya ang makikinabang dito.
Kampante ang NIA sa paggamit ng potential benefits ng renewable energy sources ay makakatugon sa pagkaubos ng supply ng tubig dahil sa El Niño.
Inaasahang madagdagan nito ang bumababang water supply sa irigasyon mula sa mga dam at reservoir sa panahon ng tagtuyot.
Ang solar-powered irrigation ay kabilang sa mga hakbang na natukoy upang mabawasan ang epekto ng El Niño.| ulat ni Rey Ferrer