House Committee on Legislative Franchises, pina-contempt si Pastor Quiboloy matapos ang makailang ulit na di pagdalo sa pagdinig ng komite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa mosyon ni Surigao del Sur Rep. Jonny Pimentel ay ipina-contempt ng House Committee on Legislative Franchises si Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy.

Ito ay dahil sa makailang ulit na hindi pagsipot sa pagtalakay ng komite sa isyu sa prangkisa ng SMNI sa kabila ng mga imbitasyon.

Sinubukan pang pakiusapan ng kaniyang legal counsel si Atty. Ferdinand Topacio ang komite, na bigyang pagkakataon pa si Quiboloy ng panahon para makapagpaliwanag.

Ngunit hindi na ito pinagbigyan dahil Disyembre pa lang anila ay iniimbitahan na nila si Quiboloy, at ginagamit na lang itong delaying tactics ni Topacio.

Matapos nito ay nagmosyon naman si ABANG Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano, na atasan ang House Sgt. at Arms na makipagtulungan sa mga otoridad para paharapin si Quiboloy sa Kamara.

Sa naturang pagdinig ay inamin naman ni Topacio na nasa Pilipinas pa ang pastor.

Ito ang kaniyang tugon ng usisain ni Deputy Speaker David ‘Jayjay’ Suarez, matapos sabihi ng abogado na makikipagkita siya kay Quiboloy bukas.

Ani, Topacio walang balak na pumunta sa kung saan man si Quiboloy at handa pa aniya ito na magpadala ng litrato sa komite kung saan kasama niya ang pastor. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us