Kapwa nagpaabiso ang Manila Electric Company (MERALCO) gayundin ang Lokal na Pamahalaan ng Antipolo City hinggil sa power interruption sa ilang bahagi ng lungsod sa Huwebes, March 21.
Batay sa abiso, isasagawa ang power interruption sa pagitan ng alas-12:01 at alas-12:30 ng umaga sa nasabing petsa at masusundan naman ito sa pagitan ng alas-4:30 hanggang alas-5 ng umaga.
Kabilang sa mga maaapektuhan ay ang bahagi ng Sumulong Highway mula Xentromall Antipolo hanggang Campers Box Gears & Cafe.
Gayundin sa Purok Maligaya 1 at 2, Sitio Ruhat at Sitio Kamias, Brentwood Park Subdivision, Francisville Subdivision, Hapiville Subdivision, Josefina Subdivision, Pabahay ng Diocese Subdivision, at Lumang Bayan sa mga Brgy. Mambugan at Mayamot.
Habang sa pagitan naman ng alas-12:01 at alas-5 ng umaga mawawalan ng suplay ng kuryente sa bahagi ng Sumulong Highway mula Monte Carlo Homes hanggang sa La Veranda.
Kabilang din dito ang Purok Maligaya 3, Sitio Ruhat, Hollywood Hills Subdivision at Metroview Ridge Estates sa mga Barangay ng Mambugan at Sta. Cruz.
Ayon sa MERALCO, magsasagawa kasi ng recolation project ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga poste at linya ng kuryente sa bahagi ng Sumulong Highway sa Barangay Mambugan at Sta. Cruz. | ulat ni Jaymark Dagala