Inaasahang maaapektuhan ng water interruption ang ilang customer ng Maynilad sa Quezon City simula mamayang gabi.
Bahagi pa rin ito ng regular na maintenance activities para mapanatili sa maayos na kondisyon ang kabuuang distribution system sa West Zone.
Kabilang sa inaasahang maaapektuhan ay ang mga Barangay ng Bagbag, Gulod, Greater Fairview, Sauyo, San Bartolome, Sta. Lucia, Doña Aurora Quezon, Doña Imelda Marcos, Don Manuel Quezon,San Isidro Galas, Santo Nino, Santol, at Tatalon.
Makararanas ang mga ito ng water interruption simula mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ng March 5.
Pinapayuhan naman ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang scheduled interruption.
Pagbalik ng water service, hayaan munang dumaloy ang tubig ng panandalian hanggang sa luminaw ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa