Ikinatuwa ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang pagkapanalo ng isa pang criminal case na isinampa sa Department of Justice (DOJ) laban sa “ghost receipts” syndicate.
Ayon kay Lumagui, muling nagtagumpay ang BIR sa kanilang kampanya na ‘Run After Fake Transaction’ program nang paboran ng DOJ ang isinampang kaso laban sa corporate officers at accountant ng Buildforce Trading Inc.
Naisampa na ang pitong kasong kriminal sa Quezon City Regional Trial Court at Quezon City Metropolitan Trial Court laban sa mga opisyal ng kumpanya dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code.
Nauna nang sinampahan ng kasong kriminal nitong Pebrero 15 ang mga opisyal ng korporasyon at accountant ng Decarich Supertrade Inc. at Redington Corporation.
Ang mga kasong kriminal laban sa tatlong kumpanya ay nakabinbin pa ngayon sa mga nasabing korte.| ulat ni Rey Ferrer