Maglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo ang lungsod ng Makati bukas, March 18, araw ng Lunes para maghatid ng sariwa at abot kayang bilihin sa mga residente nito sa pakikipagtulungan ng Economic Enterprise Management Office sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).
Magmula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, isasagawa ang Kadiwa ng Pangulo sa Makati City Hall Quadrangle.
Asahan ang mga bentang murang prutas, gulay, frozen meat products, at iba pang produkto sa Kadiwa.
Layunin ng programa na suportahan at matulungan ang local farmers na maibenta ang kanilang mga produkto at mailapit sa mga mamimili. | ulat ni EJ Lazaro