Pinalawig pa hanggang ngayong araw, March 1 ang programang ‘Kadiwa ng Pangulo’ sa lungsod ng Caloocan.
Kasunod ito ng pagbuhos ng suporta ng mga residente sa iniaalok na mga sariwang gulay, prutas, at iba pang agri-fishery products sa abot-kayang halaga.
Ayon kay Caloocan Mayor Along Malapitan, ang pagtangkilik sa mga produkto sa kadiwa ay katumbas rin ng suporta sa mga kababayang magsasaka at negosyante.
Bukas ang Kadiwa hanggang kanina, alas-5 ng hapon sa C-Cube, Caloocan City Hall-South.
Samantala, bukod sa Kadiwa ng Pangulo sa Caloocan, bukas rin ngayong Biyernes ang mga Kadiwa sites sa Mandaluyong, Pasay, Quezon City, Las Piñas, Parañaque, Taguig, Valenzuela, Maynila, at Pasig City. | ulat ni Merry Ann Bastasa