Namahagi ng karagdagang 1,000 Smart LED televisions sa Schools Division Office (SDO) ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong.
Ito’y bilang pagtalima na rin ng Lokal na Pamahalaan sa Matatag Agenda ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa Mandaluyong LGU, bawat silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ay makatatanggap ng tig-isang LED TV na makatutulong sa iba’t ibang aspeto ng pag-aaral ng mga estudyante.
Sinabi naman ni Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos Sr. na suportado niya ang makabago at epektibong pagtuturo ng mga guro dahil nais niyang mapanatili ang pagiging number one (1) Schools Division Office sa buong bansa.
Naniniwala ang alkalde na dapat makasunod sa takbo ng makabagong panahon ang edukasyon ng mga mag-aaral na siya namang magreresulta sa maayos na pagtatapos ng mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala