Korte Suprema, pinagtibay ang desisyon nitong naghahatol sa isang indibidwal na makulong dahil sa illegal na paggamit ng pekeng pera – BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinandigan ng Korte Suprema ang desisyon nito laban sa isang indibidwal na gumamit ng pekeng pera.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa desisyon ni Associate Justice Jhosep Lopez, itinanggi ng Second Division ng Mataas na Hukuman ang petisyon ni Allan Gacasan na humahamon sa ruling ng Court of Appeals at ng Regional Trial Court.

Taong 2018 nang mahuli ng PNP-CIDG si Gacasan na nagbebenta ng pekeng banknotes na kinumpirma ng BSP.

Hinatulan ng RTC si Gacasan sa krimeng illegal possession at paggamit ng pekeng pera sa ilalim ng Article 168 ng Revised Penal Code na siyang pinagtibay ng Court of Appeals, ngunit inapela ni Gacasan sa Korte Suprema.

Paalala ng BSP sa Publiko, tanging ang Sentral Bank ang may eklusibong kapangyarihan na mag-isyu ng barya at perang papel.

Simula 2010, nasa 129 anti-counterfeiting operation na humantong sa pagkakaaresto ng 212 na mga suspek at pagkakakumpiska ng 46,100 na perang papel.

Hiniling ng BSP sa publiko, na iulat ang anumang impormasyon tungkol sa pamemeke ng pera sa pinakamalapit na istasyon ng PNP o sa BSP Investigation and Currency Investigation  Group. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us