Hindi pa gaanong ramdam ang mabigat na volume ng mga sasakyan sa kahabaan ng NLEX-SCTEX.
Normal pa kasi ngayong umaga ng Miyerkules Santo ang daloy ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway.
Batay sa monitoring ng NLEX-SCTEX, as of 6am ay maluwag pa at tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan sa Balintawak Toll Plaza, at regular lanes sa Mindanao Toll Plaza at Bocaue Toll Plaza.
Bagamat, may kaunting pila lang ng mga sasakyan sa RFID installation lanes.
Light traffic din ang umiiral sa San Fernando Northbound at Southbound at sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX kabilang ang toll plazas at interchanges.
Una nang nag-abiso ang NLEX sa posibleng pagbigat sa trapiko sa expressway mula alas-10 ng umaga ng March 27 hanggang alas-2 ng hapon ng March 28.
Mataas na volume din ng trapiko ang aasahan para sa Manila-bound motorists mula alas-4 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi ng March 30 at mula alas-2 ng hapon ng March 31 hanggang alas-8 ng umaga ng April 1. | ulat ni Merry Ann Bastasa