Sa layunin mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa komunidad, magsasagawa ang Department of Health ng dalawang araw na konsultasyon at National Health Fair sa Quezon Memorial Circle sa March 09-10.
Ito ay upang hikayatin din ang publiko na maging mas aktibo sa pagtugon sa banta at panganib ng mga sakit tulad ng Tuberculosis, HIV/AIDS, Hypertension at Cancer.
Sa unang araw ng aktibidad, magkakaroon ng Zumba para ipakita ang halaga ng pag-eehersisyo upang malabanan ang sakit.
Libreng ibibigay ang serbisyong medikal sa unang 600 magpaparehistro on-site.
Para ito sa konsultasyon s internist, pediatrician, ob-gyne gayundin ang diagnostics o pagsusuri tulad ng TB at HIV screening at pagbibigay ng libreng gamot. | ulat ni Michael Rogas