Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy na bumababa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling natapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24-oras dahil sa kakulangan ng ulan sa watershed.

Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-6 ng umaga ay nabawasan pa ng 30 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 202.78 meters.

Halos dalawang metro na ang agwat mula sa 204.68 meters water elevation ng dam noong nakaraang linggo.

Gayunman malayo layo pa naman ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Bukod sa Angat Dam, karamihan din ng dam na binabantayan ng PAGASA sa Luzon ay nagkaroon ng tapyas.

Kabilang dito ang La Mesa Dam, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya Dam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us