Nagsagawa ang City Health Office of Las Piñas ng pneumonia vaccination drive sa mahigit 300 senior citizens sa Balagtas Covered Court sa Barangay Pamplona Uno.
Dumalo sa naturang kaganapan si Las Piñas Vice Mayor April Aguilar, kung saan binigyang diin nito na ang dedikasyon ng Las Piñas City sa kalusugan at kaligtasan ng senior residents nito.
Kabilang aniya ang naturang inisyatiba sa hakbang ng lungsod na protektahan ang elderly population nito mula sa pneumonia, na isang kondisyon na delikado para sa mga may edad.
Mga Health care professionals ang nagsagawa ng bakunahan at nagbigay din ng advice para sa preventive health practices.
Ayon sa Las Piñas LGU, ang naturang bakunahan ay nagbibigay diin sa mga ginagawa ng lungsod para mapalakas ang public health gayundin ang kalusugan ng mga nakatatanda sa kanilang komunidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Las Piñas LGU