Bilang pagkilala sa ambag ng mga kababaihan sa lipunan at pakikiisa sa Women’s Month, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng job fair na para lamang sa mga “Juana” o kababaihan.
Handog dito ang nasa mahigit 6,000 trabaho sa loob at labas ng bansa.
Maliban dito ay may iba pang mga programa ngayong araw ang handog ng Pasay LGU gaya ng libreng skill training at livelihood training, laboratory, medical at mayroon ding cooking contest at pa-Zumba.
Umarangkada ng alas-8 ng umaga sa Cuneta Astrodome ang naturang kaganapan.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ito ay suporta at tulong ng lungsod sa mga kababaihan na malaki ang papel at ambag sa lipunan. | ulat ni Lorenz Tanjoco