Hindi iba-ban ng lungsod ng Muntinlupa ang pagbiyahe ng e-trikes sa kanilang lungsod.
Ito’y matapos na maglabas ng resolusyon ang Metro Manila Council hinggil sa pagsuspinde ng e-trikes sa buong Metro Manila.
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, hindi nila iba-ban ang e-trikes sa lansangan bagkus maglalagay sila ng regulasyon sa mga dadaanan lamang ng e-trikes.
Dagdag pa ng alkalde na nagbabalankas na sila ng regulasyon katuwang ang Sangguniang Panlungsod kung saan pwede at maaaring dumaan ang e-trikes. | ulat ni AJ Ignacio