Simula bukas, Marso 24, isasailailm sa hightened alert status ang buong Land Transportation Office sa Central Visayas hanggang sa Marso 31 kasabay ng pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2024.
Ayon kay LTO Region VII Director Glen Galario, simula bukas ay magdedeploy sila ng mga tauhan sa mga bus terminal para sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga public utility vehicle upang masiguro na road-worthy o walang anumang sira ang mga ito.
Ayon pa kay Director Galario na katuwang nila ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board VII sa pagsasagawa ng terminal inspection upang matiyak na mayroong kaukulang dokumento ang lahat ng mga PUV at maiwasan ang mga kolorum.
Piigtingin rin ng LTO VII ang pagpapatupad ng Oplan Isnabero kung saan nakasentro ang kanilang pagbabantay sa mga taxi at PUV drivers na mananamantala sa sitwasyon at mamimili ng mga pasaherong isasakay. | ulat ni Angelie Tajapal | RP1 Cebu