Tagumpay ang isinagawang Mega Job Fair ng Malabon City government sa lungsod.
Ayon sa ulat ng Public Employment Service Office ng LGU, mahigit sa 10,200 vacant jobs at positions mula sa 81 na local at overseas companies ang binuksan sa Mega Job Fair.
May 378 job applicants ang hired-on-the-spot mula sa higit 1,300 na registered job seekers na nagtungo sa job fair.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, malaking tulong ang Mega Job Fair sa pagbibigay ng trabaho para sa mga taga Malabon .
Dahil dito patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mga programa para sa pagpapaunlad at pagpapabuti sa antas ng pamumuhay ng mga residente ng Malabon.| ulat ni Rey Ferrer