Nanawagan ang isang mambabatas na malibre na sa buwis ang “menstrual products.”
Bilang pakikiisa sa Women’s Month, sinabi ni Ako Ilocano Ako Party-list Representative Richelle Singson na dapat nang gawing tax-free ang mga produktong karaniwang ginagamit ng mga kababaihan kapag sila ay nagkakaregla.
Halimbawa aniya nito ang menstrual pads at tampons na sa kasalukuyan ay pinapatawan ng Value Added Tax (VAT).
Giit ng lady solon na kung ililibre sa buwis ang menstrual products, matitiyak ang “accessibility” at abot-kayang presyo nito para sa lahat ng babae anuman ang estado sa buhay.
Kasama rin sa isinusulong ng mambabatas ang pagkakaroon ng flexible work hours, remote work options, at paid menstrual leave para sa mga kababaihan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes