Nagpulong ngayong araw ang Metro Manila Council (MMC) sa punong tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City.
Ito’y para talakayin ang naging desisyon ng Korte Suprema na kumikilala sa kapangyarihan ng MMDA na magpatupad ng Single Ticketing System sa pagpaparusa ng mga lumalabag sa batas trapiko.
Nanguna sa nasabing pulong sina MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora at MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes.
Una nang sinabi ni Artes na hindi pa final and executory ang naturang desisyon na nagbabasura sa inihaing petisyon ng ilang grupo ng transportasyon na kumukuwesyon sa naturang sistema
Mula sa 17 Lungsod at Bayan sa Metro Manila, nabatid na ang mga lungsod ng Marikina at Makati lamang ang hindi nagpasa ng ordinansa na sumusuporta sa Single Ticketing System. | ulat ni Jaymark Dagala