Mga magsasaka, mag-aaral at maliliit na negosyo ng Agusan del Norte, naabutan ng financial aid ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sabayang inilunsad sa Agusan del Norte ang ilang programa ng pamahalaan na magbibigay tulong sa mga magsasaka, mag-aaral at mga maliliit na negosyo.

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng Farmers Assistance for Recovery and Modernization (FARM), Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth; at Start-up, Investment, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL).

Nasa 2,000 na FARM beneficiaries ang nakatanggap ng P2,000 na halaga ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng AICS program ng DSWD.

“Binuo natin ang programang ito para masuklian ang inyong kabayanihan, sa pamamagitan ng pagbigay ng tulong-pinansyal na maaari po ninyong magamit para maging mas masagana ang inyong ani sa mga susunod na taon,” sabi ni Speaker Romualdez.

Tatlong libong tertiary at vocational students naman ang naabutan ng P2,000 na financial assistance sa ilalim ng ISIP for the Youth.

Ang tulong pinansyal ay ibibigay kada anim na buwan.

Nakatanggap din sila ng limang kilo ng bigas.

Habag ang mga mag-aaral na nasa ilalim ng Tulong Dunong Program ng CHED ay naabutan din ng tulong pinansyal maliban pa sa tiyan na makukuha sa Government Internship Program oras na makapagtapos.

Ang mga magulang o guardian nil ana walang trabaho ay ipinapasok naman sa DOLE-TUPAD.

“Kaiba po ang programang ito sa mga ibang scholarship programs, dahil hindi lang ang mag-aaral ang mabibigyan ng tulong. Alam po namin na may mahalagang papel ang magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Kaya po kasama din sila sa puwedeng mabigyan ng ayuda sa ilalim ng programa,” giit ng House Speaker.

P5,000 naman ang natanggap na tulong ng nasa 2,000 na benepisyaryo para sa SIBOL program maliban pa sa limang kilong bigas.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us