Nagsagawa ng fire drill ang Bureau of Fire Protection (BFP) gayundin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa punong tanggapan nito sa Pasig City ngayong araw.
Ito’y ayon sa MMDA ay bilang pakikiisa ng kanilang ahensya sa Fire Prevention Month tuwing Marso.
Layunin nito na palakasin ang kahandaan ng MMDA gayundin ay pataasin ang antas ng kamalayan ng mga kawani nito sa iba’t ibang panganib dulot ng sunog.
Sa hudyat ng tunog ng sirena at fire alarm, sabay-sabay na bumaba sa gusali ang mga kawani ng MMDA at nagtipun-tipon sa mga designated area sa lugar.
May nakalatag ding first aid station tents kung saan may kumukuha ng blood pressure gayundin ay simulation na ginagamot matapos masugatan sa sunog.
Una rito ay nagsagawa ng safety tips at demonstration ang mga tauhan ng BFP at mamayang hapon naman magsasagawa sila ng evaluation.
Dito, itinuro rin sa mga kawani ng MMDA ang mga dapat gawin upang maging ligtas sakaling magkaroon ng sunog. | ulat ni Jaymark Dagala