Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-proseso sa kahilingan ng local government units (LGU) sa National Capital Region (NCR) para sa ‘provisional deputization’ ng mga traffic enforcers.
Ayon kay MMDA Chairman Ron Artes, nilalayon nitong maipagpatuloy ang pag-iisyu ng traffic violation ticket sa mga motoristang nahuhuling lumalabag sa batas trapiko.
Ang nasabing hakbang ang napagkasunduan sa pulong ng Metro Manila Council kasunod ng naging desisyon ng Korte Suprema na ang MMDA ang may hurisdiksyon sa mga regulasyon sa trapiko.
Ipinagbabawal na sa mga LGU na maglabas ng kanilang sariling traffic violation ticket at manghuli ng mga lumalabag sa batas trapiko.
Sa naturang desisyon, MMDA lang at deputized traffic enforcers ang awtorisadong mag-issue ng traffic violation tickets sa ilalim ng Single Ticketing System. | ulat ni Rey Ferrer