Sa opisyal na pagsisimula ng buwan ng pag-aayuno ng mga kapatid nating Muslim, pinayuhan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga Muslim government workers na i-adopt ang flexible working hours ngayong panahon ng Ramadan.
Ito ay alinsunod na rin sa polisiya sa FWA sa pamahalaan na nakapaloob sa CSC Memorandum Circular No. 06, s. 2022.
Ayon sa CSC, maaaring i-modify ang pasok ng mga Muslim worker ngayong Ramadan mula 7:30 A.M. hanggang 3:30 P.M. nang walang noon break.
Tuwing Biyernes, maaari ring i-excuse sa trabaho ang mga ito mula 10:00 AM hanggang 2:00 PM para bigyang-daan ang kanilang pagdadasal.
Para masiguro namang makumpleto pa rin ang 40 hours workweek requirement ay dapat na magsimula ang flexible working hours nang hindi mas maaga sa 7:00 AM at magtatapos ng hindi lalagpas sa 7:00 PM.
Kasama sa maaaring i-adopt ng Muslim government workers ang flexitime.
Kasunod nito, pinaalalahanan naman ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na tiyaking magtutuloy-tuloy lang ang kanilang serbisyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa