Umaabot na sa ₱1.6-trillion ang nabayarang utang ng Pilipinas noong 2023, nilagpasan nito ang target ng gobyerno na “debt payment obligation.”
Base sa datos ng Bureau of Treasury, mas mataas ito ng 24 percent kumpara sa ₱1.29-trillion na binayaran ng Pilipinas noong 2022.
Ayon sa Bureau of Treasury, ang debt service ng bansa ay umakyat ng 25 percent dahil sa interest payment na nasa ₱628.33-billion habang ang amortization ay tumaas ng 23.4 percent na nasa ₱975.38-billion pesos.
Nasa ₱435-billion ang interest ang binayaran sa utang panloob habang nasa ₱195.59-billion naman sa foreign financers.
Para ngayong 2024, target ng Bureau of Treasury na mabayaran ang ₱1.91-trillion na debt service ng bansa.
Layon nitong paghusayin ang revenue administration at iwaksi ang “wasteful spending” upang ma-consolidate ang fiscal position at utang ng bansa na sa ngayon ay nasa ₱14.79-trillion pesos. | ulat ni Melany Valdoz Reyes