Nakatakdang magpatupad ang Civil Aviation Authority of the Philippines ng ‘No Leave’ policy para sa mga tauhan nito.
Ayon sa CAAP, ito ay bahagi ng inaasahang dagsa ng mga pasahero sa mga airport ngayong papalapit na Holy Week.
Puspusan na kasi ang ginagawang paghahanda ng ahensya para sa inaasahang muling implementasyon ng ‘Oplan Biyaheng Ayos 2024’.
Inaasahan ng CAAP ang nasa pito hanggang 10 porsyentong pagtaas sa bilang ng air travelers ngayong Semana Santa bunsod ng tinatawag nitong ‘revenge travel’ matapos ang pandemya.
Base sa datos ng CAAP, ang bilang ng mga pasahero noong Marso at Abril 2023 ay nasa 4.4 million na mas malaki kumpara sa 3.1 million noong 2022. | ulat ni Lorenz Tanjoco