P300-M tulong ng pamahalaan, ipinagkaloob sa may 80,000 benepisyaryo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Agusan del Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik Mindanao ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Nasa P300 million na halaga ng tulong pinansyal at programa ng pamahalaan ang naipagkaloob sa may 80,000 benepisyaryo mula Agusan del Norte, sa dalawang araw na BPSF.

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang unang BPSF sa CARAGA Region na ginanap ngayong araw sa Caraga State University sa Butuan City.

Kasama ng House leader ang 63 district representatives bilang pagpapakita ng suporta sa programa ng administrasyong Marcos.

“Gaya ng sinabi namin sa naunang bayan na binisita ng Serbisyo Fair, hindi hadlang ang distansya upang maabot ng pamahalaan ang mamamayang kanilang pinaglilingkuran, at ang lahat ay kasama sa pag-unlad ng ating bansa. Malayo man po ang Butuan City o ang Agusan del Norte sa Maynila, malapit naman po sa isip at puso ng ating mga pinuno ang inyong kalagayan at kapakanan,” sabi ni Romualdez.

May 53 national government agencies ang nagbukas ng nasa 293 serbisyo sa mga dumalo.

Aabot sa P122 million na halaga ng cash aid ang naipamahagi.

Bahagi nito ang province-wide payout ng AICS para sa may 32,000 na indibidwal na katumbas ng P73 million.

Maliban dito, nagkaroon din ng all-women payout sa Cabadbaran City bilang paggunita sa Women’s Month at scholarship program sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority at Commission on Higher Education.

Namahagi rin dito ng 200,000 kilo ng bigas sa piling BPSF beneficiaries.

Sabi ni Speaker Romualdez, sa ilalim ng administrasyong Marcos, pamahalaan ang lalapit sa taumbayan para maglingkod.

“Sa Bagong Pilipinas na sinusulong ng ating mahal na Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang pamahalaan ay hindi naghihintay, hindi nagku-kuyakoy sa mga opisina, bagkus ay kusang lumalapit para maglingkod sa taong-bayan,” giit ni Romualdez | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us