Pinapurihan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang provincial government ng Surigao del Norte, kasama ang militar at pulisya.
Dahil ito sa pagsisikap na mabuwag ang natitirang pwersa ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan at idineklara itong insurgency-free.
Saksi si Abalos nang ideklara ang Surigao del Norte noong Biyernes bilang isang insurgency-free province.
Ayon sa ulat, 14 na dating rebelde ang nangako ng kanilang suporta sa gobyerno at nakatanggap ng kabuuang ₱904,269 na tulong pinansyal at pangkabuhayan mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng DILG.
Ang halaga ay gagamitin ng mga dating rebelde para magsimula ng bagong buhay bilang mga normal na mamamayan.
Bukod dito, pinagkalooban pa ng iba pang porma ng tulong ang mga dating rebelde mula sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Caraga. | ulat ni Rey Ferrer