Kasabay ng pagsasabatas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng expanded Centenarian Act, inaprubahan ni Department of Budget and Management Secretary Mina Pangandaman ang paglikha ng walong karagdagang regional offices at 96 posisyon para sa National Commission of Senior Citizens.
Base ito sa Republic Act No. 11350 ng pagbuo ng National Commission of Senior Citizens sa ilalim ng Office of the President.
Ang pangunahing layunin nito ay ipaglaban at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga stakeholder at senior citizens, tiyakin ang matagumpay na pagpapatupad ng iba’t ibang programa at serbisyong nakatuon sa pagpapabuti ng kalusugan at kabutihan ng mga senior citizens, at lumikha ng isang kapaligiran na sumusuporta at tumatangkilik sa kapakanan ng mga senior nakatatanda.
Upang tiyakin ang maayos na paghahatid ng kanilang mandato, layunin na magkaroon ng representasyon sa bawat rehiyon ng bansa.
Alinsunod dito, ang paglikha ng walong bagong Regional Offices ng National Commission on Senior Citizens ay inaprubahan ng DBM na itatag sa Ilocos Region, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Cordillera Administrative Region.
Bukid dito, may kabuuang 96 posisyon ang nilikha ng DBM na pamumunuan ng isang Director IV.
Alinsunod sa Section 11 ng RA No. 11350, inilipat na ng Department of Social Welfare and Development ang programang: Assistance to Older Persons sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act. | ulat ni Michael Rogas