Naniniwala si AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes na mas maraming Pilipino ang matutulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kung pabababain ang Documentary Stamp Tax (DST) sa Lottery tickets at Horse racing bets nito.
Ani Reyes, kung papababain sa 10% mula sa kasalukuyang 20% ang DST ay madaragdagan ang pondo ng PCSO para sa kanilang Medical Access Program ng hanggang ₱4-billion.
Paliwanag ng mambabatas malaking porsyento sa Charity Fund ng PSCO ang kinakain ng DST.
Tinukoy nito na noong nakaraang taon, umabot sa ₱18.3-billion ang Charity Fund ng PCSO, pero 67 percent o ₱12.2-billion ang napunta sa DST.
“Dahil dito, tinatayang 11 percent lamang o ₱2-bilyon ang nailagay sa Medical Access Program ng PCSO noong nakaraang taon,” sabi ni Reyes
Kaya naman malaking bagay ayon kay Reyes na umusad na sa Kamara ang House Bill No. 9277 o Capital Markets Efficiency Promotion Act na napagtibay sa ikatlong pagbasa.
Aamyendahan kasi nito ang Tax Code para bawasan ang buwis sa stock transactions mula 0.6 percent patungong just 0.1 percent ng stock value.
“This is why we are proposing a tax reduction. Once approved, we are expecting an additional ₱3-billion will be added to the program, giving it a total of ₱4.9-billion,” giit ni Reyes. | ulat ni Kathleen Jean Forbes