Iba ang nakikitang senaryo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Mindanao sa harap ng nararanasang epekto ng El Niño.
Sa panayam sa Pangulo sa Sumisip, Basilan, inihayag nitong baha ang tumatama sa Kamindanawan sa harap ng tumitinding tag tuyot.
Kaiba aniya ito sa Luzon at Visayas Lalo na sa Western Visayas, na kung saan ay malaki na ang epekto ng nararanasang tag tuyot gaya halimbawa sa suplay ng tubig.
Kaya ayon kay Pangulong Marcos, ibang diskarte ng pagtugon ang kailangang mai- apply sa Mindanao lalo na sa Southern Mindanao na nilulubog sa tubig baha.
Matatandaan na kamakailan lamang ay nagpunta ng Agusan del Sur ang Pangulo at personal na ininspeksiyon ang lawak ng pinsalang idinulot ng magkasabay na lakas ng ulan at shearline, na nagdulot ng malawakang pagbaha sa naturang Lugar. | ulat ni Alvin Baltazar