Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bagong nanumpang star rank officers ng Philippine National Police (PNP), na kaakibat ng karagdanag badge o bituin sa kanilang balikat ang mas mabigat na responsibilidad na dapat nilang gampanan.
Sa oath-taking ceremony ng 55 star-rank officers ng PNP sa Malacañang, ngayong araw (March 18), sinabi ng Pangulo na ang iniisip kasi ng iba kapag nalalapit na sa tugatog ng career o malapit na sa pagri-retiro ang isang indibiwal, tila nagpapabaya na ito sa kaniyang tungkulin.
Sabi ng Pangulo, kabaliktaran dapat ang gawin ng PNP officers.
Dapat aniya, na mas magsumikap pa ang mga ito at mas marami pang achievement ang kanilang maisakatuparan.
“Each one of you will spend the last mile of your glorious journey not counting the days to your retirement but chalking up and receiving greater success, and showing off more achievements.”- Pangulong Marcos Jr.
Sa ganitong paraan ayon sa Pangulo, sa oras na dumating na ang panahon ng kanilang pag-alis sa pwesto, kuntento at kampante sila na nagawa nila ang lahat para sa paglilingkod sa bansa.
“Do it so when it is time for you to troop the line for the last time, you go contented and comforted in the knowledge that you leave the service and the country a better place than what you found.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan