Pinasinayaan na ng private water concessionaire na Maynilad ang kanilang pinakabagong treatment plant na matatagpuan sa Muntinlupa City.
Sa inauguration event, sinabi na kayang makapaglabas ng 20 million liter ng tubig kada araw ang bagong Laguna Lake Modular Treatment Plant sa Putatan, Muntinlupa.
Manggagaling ang tubig sa Laguna Lake kung saan gagamit ang Maynilad ng state-of-the-art ceramic ultra-filtration technology na kauna-unahan sa bansa para salain at linisin ang tubig.
Inaasahan din na mapapaganda ng naturang pasilidad ang serbisyo ng maynilad na 50,000 customers nito sa southern part ng Metro Manila. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Maynilad