Naghandog ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ng iba’t ibang serbisyo at tulong sa mga kababaihang residente ng Barangay Dolores sa Tatay Rizal.
Ito ay bilang pakikiisa ng ahensya sa pagdiriwang ng 2024 National Women’s Month.
Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles ang paghahatid ng tulong kabilang na rito ang libreng serbisyong medikal at dental, pagbibigay ng 500 hygiene kits, at 10 wheelchairs sa mga kababaihan sa nasabing lugar.
Ayon kay Robles, layon ng aktibidad na bigyang pagkilala ang husay at kakayahan ng mga kakabaihan sa lugar ngayong Women’s Month.
Tiniyak naman ng PCSO na patuloy na maghahatid ng mga tulong at ilalapit sa taumbayan ang mga serbisyo ng pamahalaan.| ulat ni Diane Lear