Nagsanib-pwersa ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at ang Food and Drug Administration (FDA) sa layunin nitong palakasin ang pharmaceutical sector sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga Pharmaceutical Economic Zone sa bansa.
Kapwa ipinahayag nina PEZA Director General Tereso Panga at FDA Director General Dr. Samuel Zacate abg pinagsamang pagsusumikap ng dalawang ahensya para sa nasabing pharma ecozones sa isang news forum na ginanap kahapon, March 16.
Layunin ng nasabing inisyatiba na mapabuti ang local manufacturing ng gamot at medical equipment sa bansa gayundin ang pag-streamline sa ilang proseso na magreresulta ng available at mas murang gamot para sa publiko.
Patuloy din ang isinasagawang koordinasyon ng dalawang ahensya sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) sa tulong ng team ni Sec. Frederick Go para sa proposed pharma ecozones.
Suportado rin ng iba’ibang ahensya ng gobyerno ang nasabing inistiyatibang ito bilang bahagi ng whole of government approach kung saan ka-partner din ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), Anti-Red Tape Authority (ARTA), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), at iba pang ahensya para sa regulation at monitoring ng mga kaugnay na pharmaceutical-related activities sa bansa.| ulat ni EJ Lazaro