Pinuri ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga ang mga naging resulta ng naganap na US Trade Mission na pinangunahan ni US Secretary of Commerce Gina Raimondo.
Ang nasabing trade mission ay sinasabing nagpapahayag ng muling pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas kung saan layunin ng PEZA na maging sentro ang bansa para sa mga pamumuhunan ng Estados Unidos sa rehiyon.
Layunin rin ng PEZA na palakasin ang global value chain kung saan pokus rin nito ang mga sektor tulad ng manufacturing, renewable energy, at technology.
Ayon sa PEZA, malaki ang papel ng Estados Unidos sa pamumuhunan sa bansa kung saan 355 na kumpaniya nito ang nagbibigay trabaho sa halos 400,000 Pilipino at higit P400 bilyon investment.
Binigyang diin naman ni DG Panga ang pagiging handa ng Pilipinas sa pagpapalawak ng mga ugnayang pangnegosyo sa US kung saan alok ng bansa ang optimal environment para sa pamumuhunan sa Timog-silangang Asya.| ulat ni EJ Lazaro