Inanunsyo ni Speaker Martin Romualdez na ipatutupad na ng PhilHealth ang libreng mammogram at ultrasound para sa mga kababaihan.
Ayon sa House leader magandang balita ito lalo na ngayong ipinagdiriwang ang National Women’s Day.
Aniya, nagpahayag ng kahandaan ang state health insurer na ipatupad ang libreng mammogram at ultrasound matapos ang kanilang naging pulong nitong lunes kasama si Philhealth President and CEO, Emmanuel Ledesma Jr.,
Pinuri naman ni Romualdez ang Philhealth sa mabilis nitong tugon sa kanilang apela na magpapakita aniya na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbibigay prayoridad sa taumbayan.
“I commend PhilHealth for their swift action in responding to our call to provide free mammogram and ultrasound examinations to our women. This initiative reflects the commitment of the administration of President Marcos to prioritize the health and well-being of Filipino women, ensuring access to crucial preventive care. This is the best news we can give to the Filipino women, especially during Women’s Month,” sabi ni Romualdez
Una nang binigyang diin ni Romualdez na ang early detection ay malaking bagay para makapagsalba ng buhay.
“Early detection is key in addressing various health concerns, and by removing financial barriers to these essential services, PhilHealth is helping to save lives and promote a healthier future for our women,” dagdag ng House Speaker.
Kamakailan ay itinaas ng PhilHealth ang Z benefit package nito para sa cancer patients mula P100,000 patungong P1.4 million. | ulat ni Kathleen Jean Forbes