Makasaysayan ang paglulunsad ng Department of Agriculture Bicol – Bureau of Agricultural Research sa pinakaunang gatas sa bansa na gawa sa pili-nut.
Ayon sa DA Bicol, nagsimula ang paggawa at pag-aaral sa nasabing plant-based milk mula sa pili nut kernel noong March 2022 sa pangunguna ng Sorsogon Dairy Production and Technology Center (SDPTC) at pinondohan ng DAR-BAR ng aabot sa P1,000,000.
Bukod sa kilala ang Sorsogon sa produktong pili ay mayaman din ito sa Vitamin E at magnesium na kinakailangan sa pagbuo ng mga muscles at pagpapalaki ng buto ng katawan.
Sa pamamagitan ng paglunsad ng nasabing produkto, matutulungan nito ang mga magsasaka dahil sa maaaring pagtaas ng demand ng pili sa lalawigan.
Binigyang diin naman ni Dr. Edgar R. Madrid, Regional Technical Director for Research and Regulations ang kaibahan ng Pili Milk sa dairy milk animals. Aniya, kapag may sakit o infected ang mga alagang hayop ay nalilimitahan ang paggawa at produksyon gatas, kung kaya naman sa bagong lunsad na Pili milk ay wala aniyang ganitong kaso.
Buo naman ang suporta ni Sorsogon City Mayor Esther Hamor at iba pamantasan sa probinsya para sa komersyalisasyon ng Pili Milk. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay
📷 DA-Bicol
#RadyoPilipinas #BagongPilipinas