Inilunsad ng Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang isang e-Learning project para sa mga Pulis.
Ito’y para magabayan ang mga Pulis hinggil sa tamang paghawak at pagresolba sa mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso sa mga babae at bata.
Isinagawa ang paglulunsad kaalinsabay ng lingguhang flag raising ceremony sa Kampo Crame ngayong araw.
Dito, nakalagay ang iba’t ibang rapid orientation session sa mga Pulis upang maunawaang maigi ang iba’t ibang usaping bumabalot sa women and children abuses
Gayundin ang batas na sumasaklaw dito, karapatan ng mga babae at bata, medico legal at ang tinatawag na pink blotter at iba pa.
Katuwang ng PNP-WCPC ang Stairway Foundation para sa pagbibigay ng tama at angkop na edukasyon sa mga Pulis para sa maayos na paghawak sa kaso ng women and children abuse. | ulat ni Jaymark Dagala