Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa wholesale price ng bigas nitong Pebrero.
Ayon sa PSA, bumaba sa ₱54.21 ang average na kada kilo ng premium rice noong nakaraang buwan, kumpara sa ₱54.52 na kada kilong bentahan nito noong Enero.
Bumaba rin sa ₱55.14 kada kilo ang average wholeprice ng special rice nitong Pebrero.
Samantala, tumaas naman ang presyuhan pagdating sa regulat at well-milled rice noong nakaraang buwan.
Mula kase sa ₱46.86 noong Enero, umakyat sa ₱47.62 ang kada kilo ng regular milled rice noong Pebrero habang nasa ₱50.56 naman ang presyuhan ng well-milled na bigas.
Una nang sinabi ng DA na nananatili ang downward trend sa presyo ng bigas sa nakalipas na dalawang buwan. | ulat ni Merry Ann Bastasa