Umapela ang Quezon City Police District (QCPD) sa mga residente na hanggat maaari iwasan ang paggamit ng sobrang lakas na sound system sa pagsasagawa ng ‘Pabasa’ ngayong Semana Santa.
Ikinatwiran ni QCPD Police Lieutenant Colonel May Genio, na may ilang residente ang may pasok sa trabaho ang naapektuhan lalo na pag gabi.
Aniya, hindi maiiwasan ang pabasa dahil nakaugalian na ito ng mga Pilipino pero maaari naman itong isagawa nang hindi gumagamit ng mga malalakas na speaker na maaaring makaapekto sa kapitbahay.
Una nang nagpatupad ng 24/7 round the clock patrolling ang QCPD, upang masiguro ang mapayapang paggunita ng Semana Santa, at mapanatili ang seguridad at kaligtasan ngayong long weekend.
Nakipag-ugnayan narin ang QC LGU sa bawat barangay na mag-iikot upang maiwasan ang ano mang uri ng krimen lalo na ang nakawan na talamak tuwing Semana Santa. | ulat ni Rey Ferrer